Latest News

SHARON MAY KINATATAKUTAN DIN PALA

NI GERRY OCAMPO

IPINOST ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram video na nanginginig sa takot habang nasa dentist clinic sa St, Luke`s Medical Center.

Caption ni Sharon sa video: “Please pray for me. Am about to get a root canal now!”


Makikita sa video nakahiga na siya sa dentist’s chair at tila all set na for a root canal. Pero nakuha pa rin niyang mag-video.

“I`m nanginginig,“ aniya.

Medyo natatawa tuloy ang dentista sa kanya at buti na lang nandoon ang kanyang sister-in-law na dentista din sa nasabing hospital.

“Ate, I need your moral support to hold my hand.” say ni Sharon sa hipag.


“I’m here in St Luke’s in BGC, natatakot. Please pray for me. I`m not matapang sa dentista. And I haven’t had a root canal since. Decades ago, I don’t remember,” say pa ni Megastar.

Nag-react ang kanyang anak na si Frankie Pangilinan sa comment section.

“MoMMY ?/I:? “ say ni Frankie, na sinagot ni Sharon ng: “Babaaaaaaa.”

Pinalakas naman ang loob ng Megastar ng kanyang followers at sinabihan siyang kayang-kaya niya ito at nagpahatid ng dasal at suporta.


Samantala, todo – suporta ni Sharon sa kandidatura sa pagka-Bise Presidente ng husband na si Kiko Pangilinan sa May 9 elections.

Makikita sa YouTube channel ng Megastar ang effort nito during the campaign rally na ginanap sa Iloilo City ng team ni Senator Kiko kasama ang iba pang kandidato nila sa pagka-senador.

Sa naturang rally ay tila nahilingan si Sharon na siyang magpakilala sa kanyang mister sa stage.

Sanay na sanay na si Sharon magsalita nang tawagin sa stage para ipakilala si Sen Kiko. Mistulang dinaig pa nga ng Megastar ang mga pulitiko na nagsasalita on stage.

Pakilala ni Sharon sa mister: “One of the very few people that i know who has a very pure heart. A heart to serve, who has what I hate the most which I also love the most the fact na wala siyang pera dahil hindi siya magnanakaw, Nu`ng 2021, senador yan, nagtatrabaho pa ako sa Ang Probinsyano . Kasi kailangan kong tapusin ang pinapagawa naming bahay.”

Biro tuloy ng netizen, dapat daw ay si Sharon na lang ang kumandidato at pinatigil na lang si Senator Kiko na tumakbong VP ng bansa.

Tags:

You May Also Like

Most Read