Sharon may banat sa bashers

NI GERRY OCAMPO

KAHIT tapos na ang eleksiyon, ayaw pa rin tantanan si Sharon Cuneta ng kanyang bashers.

Tila may kinalaman sa kasikatan at kayamanan ang pamba-bash sa kanya kaya naman todo-display ang Megastar ng kanyang mga alahas.


Sa interview kay Sharon sa ASAP , tila may pasaring siya sa kanyang mga bashers.

Tinawag na “mababaw” ni Sharon ang bashers.

May kinalaman ang pamba-bash sa kanya during her eulogy sa wake ng yumaong Movie Queen na si Susan Roces.

“I will talk myself again just like what I did in eulogy? Like I was accused of doing because, that was not my first eulogy, I`m sorry, And I never talked about myself because that`s the only way I could get across the kind of impact the Poe`s had in my life. Not only for Tita Susan (Roces).who’s eulogy supposed to be, but also to the whole Poe’s family. Especially FPJ,” sabi ni Sharon.


Tinanong si Mega kung ano ang best memory niya kina FPJ at Susan.

“I could not express and make kuwento how much they meant to me and what they did to my life as an actor and as a person without including myself sa kuwento.

“I’m sorry if it came across to some of few like that. Napakababaw ninyo, I`m sorry diretso lang ako. But it was really from the heart,” sagot ni Sharon.

Dagdag pa ni Mega: “And right now para sa kanila, mas special na di hamak ang pagsali ko sa Ang Probinsiyano dahil I know, parte ito ng legacy ni Fernando Poe Jr na binigyan ng bagong buhay ni Coco Martin, And I`m sure ikinaligaya ni Tita Susan at siyempre ng buong pamilya nila. I`m very honored and that`s all that matters to me. I love them.”


Nagpasalamat din si Megastar kay Coco na isinama siya sa Ang Probinsiyano.

Nagpasalamat din si Sharon sa mga viewers sa pagtanggap sa kanya bilang si Aurora sa serye ng tumagal ng 7 taon sa TV.

Ang wish ni Mega kay Coco ay gumawa ng part 2, dahil buhay ang character niya at si Oscar (Rowell Santiago) at ganoon din si Mara ( Julia Montes).

Tags: Sharon Cuneta

You May Also Like

Most Read