SHARON CUNETA NAG-ALA “PRETTY WOMAN: SA SEOUL

NI BETH GELENA

USAP-USAPAN ngayon ang hindi pagpapapasok kay Megastar Sharon Cuneta sa Hermes store sa South Korea. At matapos ma-turned away sa Hermes store, nag-shopping galore na lang ito sa Louis Vuitton.


Sa na iniupload last September 30, ipinakita ni Sharon ang kanyang vacation trip sa Seoul, South Korea, kung saan kumain siya ng Korean food at namili ng K-pop merchandise.

Sa shopping spree ni Megastar sa fashion hubs ng Seoul, doon na siya hindi pinapasok sa Hermes shop, kung saan gusto sana niyang bumili ng isang belt.

“Nagpunta lang ako dito para bumili ng sinturon sa Hermes. Ayaw ako papasukin, “kuwento ni Sharon sa vlog.


Hindi na nagbigay ng ibang detalye si Sharon ukol sa insidente pero ipinakita niya sa video na kausap niya ang isa sa staff ng boutique.

“Turned away at the Hermes store,” ang caption ni Megastar sa kanyang vlog.


Dahil dito, sa another luxury brand na Louis Vuitton namili si Sharon, where she was accommodated. Habang namimili ay makikitang masayang nakikipag-usap si Sharon sa staff ng shop na binigyan pa siya ng bottle of champagne and flowers as gifts.

“I got champagne and flowers. Thank you, Louis Vuitton. Thank you,” ani Mega.


At habang bitbit ang mga pinamiling Louis Vuitton, dumaan si Sharon at kanyang mga kasama sa Hermes store , sabay sabi sa staff nito ng: “See, I bought everything.”

Isinama rin ni Sharon ang isang clip sa movie “Pretty Woman,” kung saan sinabi ng character ni Julia Roberts sa saleswoman na nag-discriminate sa kanya ng: “Big mistake.”



Tags: Megastar Sharon Cuneta

You May Also Like