NI BETH GELENA
NAALIW ang fans ni Sharon Cuneta at maging ang netizens sa ipinost na sweet photos ni Megastar with husband Kiko Pangilinan.
Sa Instagram account ng singer, nagpost siya ng photo kasama ang mister na si Kiko na parang nagliligawan ang dalawa
Nilagay ni caption ni Shawie: “May nangungulit sa akin dito ilang araw na! Nanliligaw!”
Nag-viral ang pinost na photo ni Sharon.
Komento ng netizens: “Hahaha…love the caption, Ate Shawie. You two are so cute together. More pics together pa, please.”
“Ang ganda ganda mo parin idol.”
“You guys are so cute. Kaka inspire!”
Paano ba namang hindi mo kaaliwan ang picture ng mag-asawa, eh, parang neneng-nene pa si Megastar na nakaupo s a isang side na kinikilig habang si Kiko naman ay nasa kabilang na nakatitig sa kanya.














