Sharon Cuneta gusto agad umulit kay Alden Richards

By: Gerry Ocampo

SA isang vlog ni Sharon Cuneta, sinabi niya na for 2023 Metro Manila Film Festival, gagawin nilang movie ni Alden Richards ay isang mother and son story.

Umaasa si Megastar na mapipili ang entry nila sa filmfest at take note, hindi pa nailalabas ang movie ay gusto na niya magkaroon ito ng sequel.


“I am very happy to be in the set. I`m so happy doing this movie. I don’t want it to end. Pipilitin ko na magka-sequel. I love this movie so much.

“We both (sila ni Alden) love this movie. Excited akong gawin ang mga lines, ang tagal kong nawala sa limelight at pam-pamilya ito,” say ni Sharon.

Pinuri ni Sharon si Alden na very nice and wonderful daw ang actor, walang kaere-ere at para na silang family.


All praises din naman ang team ni Alden kay Sharon at sinabi na kahit tapos na ang shooting nila ay hindi pa rin magtatapos ang pagiging mag-ina nila ni Alden.

May nag-comment nga na magkapatid na sina Alden at Coco Martin dahil anak din ang turing ng Megastar kay Coco.


Nangangahulugan lang na magkakapatid na sina Alden at Coco at pati na rin si Julia Montes na anak din ang turing ni Sharon.

So, magkakapatid na ang tatlo.


Tags: Alden Richards, Sharon Cuneta

You May Also Like

Most Read

Latest News