Latest News

SHAINA NALIGAW SA PHOTO WITH CELEBRITY COUPLES

NI BETH GELENA

MAY post na photo si Luis Manzano ng get-together with some celebrity friends.

Ang nasa larawan ay ang mag-asawang Luis at Jessy Mendiola, Iya at Drew Arellano, BJ and Nikki Albert at ang bukod-tangi na walang partner na si Shaina Magdayao.

Ang nilagay ng caption ni Luis: “Todo laughtrip at kulitan night with peeps. You don’t need blood to be family with heart ermoji naaaaks ang lalim nabasa ki lang yan sa banyo dati.”

Marami ang nanghinayang sa career ni Nikki Gil dahil mula ng mag-asawa ay nag-stop na siyang mag-showbiz.

Sabi ng ilang netizens:
“I miss Nikki gil she’s a good host at good singer”
“nope she made great choices and she’s living the best life.”

Kaaliw naman ang puna ng netizens:
“Ganyan pala mag reunion mga mayayaman, walang pagkain. Pa wine wine lang :D”
“Depende naman sa reunion. Well, based sa venue at suot nila mukha namang tamang chill lang ang ganap”.

Dahil si Shaina lang ang walang partner sa grupo, may nagsabi tuloy ng: “Shaina sana ma-meet mo na din ang para sa iyo girl”

May nakaalala naman kung ano ang unang work ng magkakaibigan except Shaina na acting ang talent:
“Mga dating VJ sa MyX. Nakakamiss”
“Nakakamiss kulitan nina Luis at Nikki noon sa Twitter sobrang bardagulan. I love Nikki tapos yung kanta niya pang pambansang graduation song. Not gonna say sayang her career but I feel she is very happy with her life na”
“Nabigyan ng good vibes ang photo because of Nikki.”
“Nikki, Iya, Luis & Shaina are real good friends . They are showbiz but not really “showbiz” as what Luis would always say”
Puna naman ng isa: “Naligaw ata si Shaina?”
“She’s super bff of Nikki.”
“This is what you called GENUINE friendships not just showing off or pa show biz. They are privately still in contact regardless they have a show or not”
Intriguing naman ang komento ng netizen na ito: “Parang si iya and nikki hindi na bff like they used to before. Bff goals ko pa naman sila dati.”

Tags:

You May Also Like

Most Read