Latest News

SEXY, DARING ROLES SUSUBUKAN NA NI RABIYA MATEO

NI WALLY PERALTA

ILAN na bang beauty queens natin na pagkatapos sumabak sa international beauty pageants ay pag-aartista ang pinasok pagbalik sa bansa?

Ang huling beauty queen na nagpa-sexy at daring sa movie ay ang former 2016 Miss International na si Kylie Verzosa.

Hindi naman nagpatalbog si Miss Universe-Philippines 2020 Rabiya Mateo, na tulad ng ibang beauty queens ay showbiz din ang piniling career.

Marami ang nagsasabing kering-keri ni Rabiya ang magpa-sexy at daring sa movies, lalo na’t bukod sa maganda at sexy body, may angkin din siyang galing sa pag-arte.

Hindi naman itinanggi ni Rabiya na open siya sa ganung klaseng role, pero sa ngayon daw ay hinay-hinay muna siya dahil nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

“It’s because I just won Miss Universe Philippines and it’ll take a lot of years [pa] siguro. I also consider ’yung audience ko. Usually po kasi ng fans ko is bata, so kailangan ko dahan-dahanin yung image ko,” esplika ni Rabiya.

Hanggang saan naman kakayanin ni Rabiya na magpaka-daring at magpa-sexy sa isang project?

“Kino-consider ko rin ’yung mom ko kasi merong restrictions, meron siyang rules kung hanggang saan ba talaga ako. It’s safe to say na in the coming three years, ’di ako tatanggap ng sexy roles,” sagot ng beauty queen.

Basta raw sa ngayon, bisi-bisihan muna ang beauty queen sa action serye na “Agimat ng Agila” Season 2 kung saan isang agent ang role niya kasama si Senador Bong Revilla Jr.

Tags:

You May Also Like

Most Read