Latest News

SETH NAG-BIRTHDAY KASAMA SI FRANCINE

By: Beth Gelena

NAG-CELEBRATE ng 21st birthday si Seth Fedelin last July 9.

Kasama niya ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa celebration with Francine Diaz.

Sa Avire Tower sa Quezon City ginanap ang birthday ni Seth at nag-post siya ng photos with simple caption na: “21”.


Nagbigay naman ng mahaba but sweet birthday message si Francine para sa kanyang leading man sa “Dirty Linen.”

“Si Seth… gaano na ba tayo katagal na magkakilala? Actually, nung unang nag-meet kami, and kung paano ko siya nakilala… totoo ‘to, sa harap mo, first time kong sasabihin na hindi ka naman talaga nagbago. Thank you for the friendship and thank you kasi alam ko na may mga times na nakakainis talaga ako pero mahaba ‘yung pasensya mo. So thank you for that. And I feel blessed na nandito ako ngayon sa 21st birthday mo, na hindi ko inakalang makakapunta pala ako.


“Sana parati kang gabayan ni Lord and I pray na parati kang safe, and mas marami pang blessings na dumating sa ‘yo. And sinabi ko na rin naman ‘to sa ‘yo na I’m thankful na ikaw ‘yung onscreen partner ko. Happy birthday,” pagbati ni Francine sa aktor.


Tags: Francine Diaz, Seth Fedelin

You May Also Like

Most Read