NI BETH GELENA
AFTER ng tatlong taon na nadisgrasya sa paglalaro ng basketball, muling nakapaglaro ang young actor na si Seth Fedelin sa Star Circle All Stars Games last May 22 sa Araneta Coliseum.
“Okay ako. Masaya ko. Ito yung first time ko na maglaro sa isang league na matatawag na competition talaga. So maraming makakanuod. Natatakot ako siyempre. Medyo ilang pa rin ako sa basketball dahil sa nangyari sa akin. May bali ako sa tuhod. Mag-ti-three years na. Basketball din. Fracture lang naman so may bakal siya,” say ni Seth.
Nasa event din sina Kylie Echarri at Andrea Brillantes at ang boyfriend ng batang aktres na si Ricci Rivero.
Natanong ang aktor hinggil sa loveteam ng SethDrea at ang bago niyang ka-loveteam na si Francine Diaz.
Ayon kay Seth, ang friendship nila ng Gold Squad members — Seth, Kyle, Francine at Andrea — ay going strong pa rin.
“Wala naman kasing issue ‘yun. Kung sino ang gusto ng isang tao, wala namang issue ‘yun. Ang gagawa lang siguro nun ‘yung mga taong nagdedesisyon para sa mga buhay ‘di ba? Support na lang siyempre. Masaya siya dun so ba’t tayo mangingialam? Masaya sila,” paliwanag niya.
Denepensahan din ni Seth ang isyu kina Francine ar Andrea, lalo na sa bashers ng dalawang dalaga.
“Wala namang problemang hindi naaayos. Basta kaming apat, magkakaibigan. Siyempre sa magkakaibigan merong hindi pagkakaintindihan. Hindi naman maiiwasan yun eh. Pero walang problemang hindi naaayos.
“In the end, nasa isang bahay lang kayo eh. ABS-CBN tayo so lagi tayong magkikita. Basta alam naming apat kung ano yung nangyari, alam namin yung mga dala namin sa loob sa mga puso namin. So nagkakaintindihan kaming apat,” paliwanag pa ng aktor.
Pakiusap naman ni Seth sa bashers ng dalawang young actress: “Paggalang na lang at saka respeto.”














