Senate approval ng Eddie Garcia bill iginiit ni Usec Liza Dino

NI BETH GELENA

MATATAPOS na lang ang termino ni Film Development Council of the Philippines chair Usec. Liza Dino-Seguerra pero may pasabog pa siya para sa 6th Film Ambassadors’ Night sa Feb. 27 sa Metropolitan Theater.

After two years ay ngayon lang uli humarap sa entertainment press si Usec Liza para ihayag kung sino ang tatanggap ng espesyal na parangal na Camera Obscura Artistic Excellence Award at Gabay ng Industriya Award.


Ito ay walang iba kungdi si John Arcilla para sa pagganap niya sa pelikulang :On The Job: The Missing 8.”

Ang award para sa aktor ang pinakamataas na pagpupugay na ipagkakaloob ng FDCP sa film workers o proyekto na nagpamalas ng bukod-tanging husay at umani ng tagumpay sa labas ng bansa noong 2021.

Kay Ms. Rosa Rosal naman igagawad ang Gabay ng Industriya Award bilang “Ilaw ng Industriya” at kay Jesse Ejercito bilang “Haligi ng Industriya,” ang dating producer na maraming naiambag na industriya ng pelikula Pilipino.

Pararangalan din sa Film Ambassadors’ Night 2022 ang 77 movies, filmmakers at actors na kinilala sa iba’t ibang international film festivals noong nakalipas na taon.


Ang taunang Film Ambassadors’ Night, sa pakikipagtulungan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), ay isang gabi ng pagtitipon at pagdiriwang ng film workers na sinimulan noong 2016, pero dahil sa COVID pandemic, naging virtual celebration na lamang ito since 2020.

Ngayon na unti-unti nang bumabalik sa normal dahil sa pagbaba ng mga kasi ng virus, muling magkakaroon ng exclusive in-person event para sa honorees ng 6th Film.Ambassador’s Night sa bagong-bihis na MET.

But sad to say, tanging ang mga pararangalan lang ang a-attend sa eksklusibong event.

Humihingi ng paumanhin si Chair Liza sa mga gustong.mag-cover ng event dahil nag-iingat pa rin daw sila sa COVID-19.


Pinangako naman niyang gagawa sila ng paraan na mai-live ang coverage ng event.

Nakatsikahan namin si Chair Liza after ng presscon tungkol sa “hubad” na post ni si Jake Zyrus (dating Charice Pempengco) na isa nang transman.

Biniro raw ni Chair Liza ang mister na si Ice Seguerra (Aiza Seguerra dati): “Naunahan ka pa.”

Ngit lang daw ang sagot sa kanya ni Ice.

Tungkol naman sa pagpapakasal nina Vice Ganda at Ion Perez, say ni Chair Liza: “Nakaka-relate ako sa kanila na basically ay nangyari din naman sa amin ni Ice. And I’m happy for them.”

Isa pa raw na gusto niyang maiwang legacy as FDCP chairwoman ay ang ma-approve ang Eddie Garcia bill sa Kongreso.

“I will push the Eddie Garcia Bill na sana ay maaprubahan na sa Senado.

“Naipasa na ang bill sa Lower House at nasa Senate na siya. Tanging pirma na lang nila ang kulang para maging okey na at mai-apply na sa workers lalung lalo na doon sa mga may mababang posisyon sa industriya.

“Si Senador Bong Revilla ang tumutulong para maisulong na ang Eddie Garcia bill at sana pumirma na ang iba pang mga.senador para naman may masabi akong may nagawa o maiwang legacy sa industriya,” ayon kay Chair Liza.

Tags: Usec. Liza Dino-Seguerra

You May Also Like

Most Read