Latest News

SENADOR BONG NAPAPALIBUTAN NG TATLONG BEAUTY QUEENS

NI GERRY OCAMPO

ALL praises si Senator Bong Revilla sa tatlong former beauty queens na co-star niya sa “Agimat ng Agila 2″ na sina MIchelle Dee, MJ Lastimosa at Rabiya Mateo.

“Lahat sila magagaling, Pinakita nila yung talento ng bawat isa sa bawat pag-portray nila sa kanilang characters na ginagawa nila. Talagang napabilib nila ako,” papuri ni Sen Bong sa tatlong beauty queen.


“Katulad ni Miss Rabiya, bago pa lang siyang artista pero pinakita niya na natural na natural ang acting niya. Si Michelle talagang iba ‘yung pagka-snake niya. Ang galing, ang galing. Talagang pinabilib niya ako noon pa man sa Book 1. Si MJ, ganun din, ang galing umarte, natural na natural.

“Sabi ko, parang hindi mga beauty queen ito, para talagang mga artista. Talagang saludo ako sa kanilang tatlo,” kuwento pa ng senador.

Nang tanungin kung ano ang mga nadiskubre niya kay Rabiya, sabi ni Bong ay mukhang magiging maganda raw ang future nito sa showbiz.

“Katulad ng nakita ko kay Sanya Lopez (ang original leading lady niya sa series) sa tingin ko, malayo ang mararating niya when it comes to acting. Magaling na artista,” ani Bong.


Ang ikinatuwa pa ni Bong, tulad daw ni Sanya ay may chemistry din sila ni Rabiya.

Patuloy pa ng senador: “Nagpapasalamat ako sa GMA. all out support talaga sila sa lahat ng Agimat ng Agila projects, book 1 and book 2. Salamat sa tiwala ng GMA at sana, yung mga darating pa nating projects.”

NI GERRY OCAMPO

All praises si Senator Bong Revilla sa tatlong former beauty queens na co-star niya sa “Agimat ng Agila 2″ na sina MIchelle Dee, MJ Lastimosa at Rabiya Mateo.


“Lahat sila magagaling, Pinakita nila yung talento ng bawat isa sa bawat pag-portray nila sa kanilang characters na ginagawa nila. Talagang napabilib nila ako,” papuri ni Sen Bong sa tatlong beauty queen.

“Katulad ni Miss Rabiya, bago pa lang siyang artista pero pinakita niya na natural na natural ang acting niya. Si Michelle talagang iba ‘yung pagka-snake niya. Ang galing, ang galing. Talagang pinabilib niya ako noon pa man sa Book 1. Si MJ, ganun din, ang galing umarte, natural na natural.

“Sabi ko, parang hindi mga beauty queen ito, para talagang mga artista. Talagang saludo ako sa kanilang tatlo,” kuwento pa ng senador.

Nang tanungin kung ano ang mga nadiskubre niya kay Rabiya, sabi ni Bong ay mukhang magiging maganda raw ang future nito sa showbiz.

“Katulad ng nakita ko kay Sanya Lopez (ang original leading lady niya sa series) sa tingin ko, malayo ang mararating niya when it comes to acting. Magaling na artista,” ani Bong.

Ang ikinatuwa pa ni Bong, tulad daw ni Sanya ay may chemistry din sila ni Rabiya.

Patuloy pa ng senador: “Nagpapasalamat ako sa GMA. all out support talaga sila sa lahat ng Agimat ng Agila projects, book 1 and book 2. Salamat sa tiwala ng GMA at sana, yung mga darating pa nating projects.”

Tags:

You May Also Like

Most Read