Latest News

SECRET NG SEXY BODY NI COLEEN IBINUKO NI BILLY

NI GERRY OCAMPO

MARAMING pinahanga si Coleen Garcia sa kanyang kaseksihan kahit may isa na silang anak ni Billy Crawford.

Ibinuko naman ni Billy kung ano ang sekreto ng kanyang wife.

Hindi raw nagdi-diet ang misis sa halip ay puro exercise ang inaatupag.

Ang exercise na ginagawa raw ni Coleen ay ang Lagree, na pati nga raw siya ay naengganyo na din.

Sabi ni Billy sa social media: “You worked so hard and I`m so proud of you, sacrificing and continuously working hard to achieve the body you want!

“Nadamay na nga ako sa Lagree mo, eh! But again you look amazing, Mommy. Love you so so much! BRAVO.”

Ang Lagree ay isang “low impact high intensity” method that “tightens and tones” the muscles in as little as 20 minutes na naimbento ng fitness pro na si Sebastian Lagree.

Ayon pa kay Billy, bukod sa Lagree ay nag-rowing din at indoor cycling si Coleen.

Sa porma ng katawan ngayon ni Coleen, tila epektibo nga ang ginagawang pag-eexercise ng actress.

Tags:

You May Also Like

Most Read