NI WALLY PERALTA
REMEMBER Sarah Lirio Javier?
Dati siyang member ng “That’s Entertainment” Monday group na napasok sa teen show bago pa man palitan ito ng “DATS.”
Dahil sa taglay na ganda ng mukha at talent sa pagkanta at pag-arte, hindi naging mahirap para kay Sarah na makapasok sa naturang teen show.
Sa nakaraang 6th PMPC Celebrity Badminton Tournament, isa si Sarah sa na nakipaglaro pa sa kapwa niya celebrities.
Taglay pa rin ang artistahin-look ni Sarah na ngayon ay nagbabalik-showbiz para ituloy ang naudlot na pangarap.
Maaga kasi siya nakapag-asawa at naging full-time mom and wife nang manirahan sa Amerika.
Balik-Pinas si Sarah after two decades na ngayon ay successful businesswoman na.
Unang sumabak sa suspense-thriller na “Nelia” ni Winwyn Marquez at naging isa sa official film nitong 2021 MMFF.
Ngayon ay nakasama at isa na rin sa “Ang Bangkay” na dinerehe ni Direk Vince Tanada, kung saan ay ipapadala ang naturang movie sa iba’t ibang international film festival.
Sa tanong kay Sarah kung payag ba siyang makasama sa teleserye na mahabang oras ang dapat niyang gugulin at paano niya maisisingit ito sa kanyang busy sked bilang businesswoman.
“I will love too. Sana nga ay mapansin ako ng mga TV network at mapagbigyan na lumabas sa teleserye. Tulad ng sinabi ko para naman sa akin ‘first love’ na pagiging isang artista ang dahilan kung bakit ako nagbalik-Pinas. Napagtapos ko na sa pag-aaral ang aking anak at suportado naman ako ng aking mister kaya push ko ito,” sagot ni Sarah.
But wait there’s more.
Excited ding ibinalita ni Sarah ang nalalapit na launching ng kanyang panibagong single kung saan ay siya mismo ang sumulat ng kantang “Ihip Ng Hangin.”














