Latest News

SARAH JAVIER BALIK-SHOWBIZ AFTER 25 YEARS

NI BETH GELENA

TAGUMPAY ang celebrity badminton event ng Philippine Movie Press Club last April 8 sa Powerplay, Apo St., Manila.

Yearly ang special project na ito ng PMPC at guest of honor si reelectionist Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Nahinto lang ito for two years ago dahil sa COVID-19 pandemic.

Nakita naming celebrities na naglalaro ay sina Sarah Javier, Jao Mapa, Krista Miller, Neil Coleta, Janah Zaplan, Nino Muhlach at ang dalawa niyang anak na lalaki na sina Alfonso at Sandro, and many more.

For awhile, nakatsikahan namin si Sarah Javier.

Balik-showbiz ngayon ang dating member ng “That’s Entertainment” ni Kuya Germs ( German Moreno).

She was only 16 years old ng sumabak sa “That’s” between 1994 to 1996. Wala raw siyang backer ng mag-audition sa youth-oriented show ng yumaong Master Showman. Pinasayaw, pinaarte at pinakanta daw siya ni Kuya Germs.

“Luckily naman po ay may boses naman din po ako… Kaya ayun agad na akong isinama ni Kuya Germs sa show niya,” kuwento ni Sarah.

Maaga lang nain-love at nagkaanak si Sarah kaya panandalian lang siya sa Monday group ng “That’s” kasama sina Mark Anthony Fernandez at Isko Moreno.

Hindi naman daw siya pinabayaan ng boyfriend at nagpakasal agad sila noong October 11, 1997.

Going 25 years ng kasal sa kanyang hubby at mayroon silang isang 24-year-old na anak. Tapos na rin daw sa pag-aaral ang kanilang unico hijo kaya naman balik-showbiz na si Sarah.

Nagkaroon agad siya ng project nang magparamdam siya sa kanyang circle of friends sa showbiz.

Unang movie niyang ginawa kanyang pagbabalik ay ang “Nelia” na pinagbidahan ni WynWyn Marquez, at may kasunod daw ito na isang indie film titled “Bangkay.”

Kuwento ni Sarah, target ng production ang international filmfest kaya sa iba’t ibang bansa ipalalabas ang pelikula.

Malamang daw magkaroon ang movie ng first screening sa Pilipinas sa Mayo.

Pati ang kanyang singing career ni Sarah ay ni-revive na rin ni Sarah. Singing daw kasi ang talagang first love niya.

Ang kanyang kantang “Panghabang Buhay, Buhay Sa Aking Ala-ala” ay mapapakinggan sa Spotify habang ang “Ihip Ng Hangin” ay nasa Amazon music.com.

Si Sarah din daw mismo ang nag-compose at nag-produce ng kanyang mga kanta. Very proud si Sarah dahil super-supportive ang businessman niyang mister sa kanyang pagbabalik-showbiz.

“I’m so happy na nakabalik pa rin ako sa showbiz. It’s myself naman kasi ginawa ko naman ang obligasyon ko as a wife and a mother. Graduate na ang anak ko at pinayagan naman ako ng husband ko. Kaya I’m so happy talaga,” say ni Sarah.

Tags:

You May Also Like

Most Read