Ni BETH GELENA
NAG-TAPING na ang “ASAP Natin To” para sa sa kanilang episode this Sunday.
Tuwang-tuwa ang ASAP FAmily dahil nakasama.na nila ang Popstar Royalty — in the flesh — sa taping Tuesday night.
Very happy ang ASAP family na makasamang muli ang singer sa studio after two years.
Ang nag-post ng photo ni Sarah na naka-production attire ay si Ogie Alcasid na kanyang itweet.
“Yay kasama namin si @JustSarahG,” with heart-face emojis.
Sa kanilang group selfie ay kasama ni Sarah sina Erik Santos, Georcelle Dapat-Sy, Regine Velasquez, Alcasid at Gary Valenciano.
Si Darren Espanto ang nagsilbi bilang fotog.
Kinumpirma ni Sarah sa head writer na si Darla Sauler na siya ay nasa episode nitong December 11.