SANYA LOPEZ ‘DI MAKAWALA SA KARAKTER NA FIRST YAYA

NI WALLY PERALTA

MUKHANG mahihirapan na si Sanya Lopez na makalabas agad sa kanyang karakter bilang first yaya o si Melody sa top-rating primetime serye ng Kapuso Network na “First Lady” nila ni Gabby Concepcion.

Ayon kay Sanya, sa ngayon daw ay “Melody” o first yaya na ang tawag sa kanya ng mga tao tuwing nasa public place siya.


Flattered naman ang Kapuso actress dahilan sa nagugustuhan ng publiko ang kanyang role.

Pero nitong nakaraang eleksyon ay mas malala pa ang naging karanasan ni Sanya noong bomoto siya kasama ang kapatid na si Jak Roberto.


Sa hindi inaasahan pagkakataon, pinagkaguluhan si Sanya ng mga botanteng narororoon at isinisigaw ang kanyang pangalan.

Dumami tuloy ang mga nag-usyoso at gustong magpa-selfie sa kanya na naging sanhi para mas lalong magulo ang pila.


“Tinatawag nila akong ‘Acosta! Acosta!’ gaganu’n sila, ‘First Lady,’ ‘Madam presidente’ pa ‘yung tinawag last time. So, nakakaaliw talaga.

“Sa lahat ng dinadaanan namin ang tawag na sa akin Melody. Nahiya po kami. Humingi naman po kami ng pasensya sa mga tao at nakakatuwa po na naiintindihan naman po nila,” kuwento ni Sanya.

Tags: Sanya Lopez

You May Also Like

Most Read