NI GERRY OCAMPO
DREAM come true kay Sanya Lopez na makatrabaho si John Lloyd Cruz at natupad nga ito nung mag-guest siya sa sitcom ng actor na Happy ToGether na napapanood sa GMA 7.
Masayang-masaya si Sanya kahit na guesting lang at ilang eksena lang sila magkasama ni JLC.
Noon pa kasi niya sinasabi na pangarap niyang makatrabaho si Lloydie at nangyari na nga ng maging Kapuso na ang aktor.
Sa interview kay Sanya sa Balitang Tanghali, todo ang papuri niya kay JLC.
Mabait, very nice at mahiyain daw ang aktor na nagpa-video greet pa sa kanya.
“Siya ‘yung mag-a-adjust. Yung level na siya pa ‘yung nagpa-video greet sa `kin. Bago siya magpa-video greet sa ‘kin, hiyang-hiya siya, daming explanation,: kuwento ni Sanya.
Nang mag-guest si Sanya sa sitcom ni Lloydie sa GMA 7, marami ang nagsu-suggest na bakit hindi na lang daw pagsamahin sa isang teleserye. Kung hindi raw puwede si Bea Alonzo, bakit hindi na lang si Sanya ang ipareha kay JLC.
Kaya lang nabalita na pagkatapos ng teleserye ni Sanya na First Lady with Gabby Concepcion ay si Marco Gumabao ang makakapareha ni Sanya sa next teleserye nito sa GMA 7.
Habang wala pa ginagawa maliban sa guesting, ini-enjoy muna ni Sanya ang pagpapahinga.
Samantala, marami pa rin ang hindi makapaniwala na loveless pa rin hanggang ngayon si Sanya.
Sa ganda at super sexy nito, malabong hindi siya dagsain ng manliligaw.
Ano kaya ang maging reaction ni Sanya kung pormahan siya ng kanyang dream actor na si JLC?