Latest News

SANYA HIRAP UMARTE BILANG FIRST LADY

NI WALLY PERALTA

PARA kay Sanya Lopez, hindi raw pala biro ang maging isang First Lady ng bansa, lalo na nagsimula siya bilang isang kasambahay.

Inamin ni Sanya na mas nahirapan siya sa kanyang bagong role dahil kailangan ang tamang pagkilos at pananalita ng isang First Lady kumpara sa medyo pasaway niyang pag-uugali at pagsasalita bilang isang yaya.

Say pa nga ni Sanya, medyo nakaka-relate siya sa role na yaya dahil ang ilan sa ugali at pananalita ng isang yaya sa kanyang role ay nakalakihan niya.

Kaya naman para mas maging kapani-paniwalang isang First Lady na ang dating yaya, bago simulan ang taping ay nag-training muna si Sanya ng galaw at pananalita ng isang First Lady sa tulong ng political advisers na kinuha ng produkyon ng teleserye.

Ito ay para ituro sa set ang proper decorum ng isang First Lady at maging makatotohanan ang pagganap ni Sanya at ng iba pang mga karakter sa teleserye.

“Mas challenging po talaga ang maging First Lady, yung ‘First Yaya” talaga ay medyo malapit-lapit pa kay Sanya yung karakter unlike now, medyo inaaral-aral ko pa,” ayon sa Kapuso aktres.

Isa pa sa labis na ikinatuwa ni Sanya ay ang pagsasamang muli nila ng kanyang kauna-unahang loveteam sa teleserye na si si Rocco Nacino.

Kuwento ng Kapuso actress, matagal-tagal na rin silang hindi nagkakasama ng dating ka-loveteam kung kaya excited si Sanya na muling makasama si Rocco.

Tags:

You May Also Like

Most Read