Latest News

SANDRO, ALEX MIRO MAGKASAMA SA SINGAPORE

NI BETH GELENA

ALL over the social media na magkasamang nanood sa Singapore F1 Grand Prix ang rumored celebrity couple na sina Alexa Miro at presidential son Congressman Sandro Marcos.

Sa nasabing event ay marami ang nakakakitang very sweet ang dalawa kahit na sinasabi ni Alexa sa interview na matagal na silang magkaibigan.

Ginanap ang F1 race at concert event sa Marina Bay Street Circuit sa Singapore.

Sa official website ng Singapore Grand Prix, may naka-post na photo ang dalawa na nasa VIP area.

Madalas nakikita ang sexy actress sa mga importanteng events with Sandro tulad noong oathtaking nito bilang kongresista at noong surprise birthday party ni First Lady Liza Araneta-Marcos.

Pero sabi nga ng “Tropang LOL” host: “Parang girl best friend na niya ako.”

Hindi ito ang unang beses na nakita in public ang dalawa.

Last July, namataan sila sa isang bar with some of their common friends.

Tags:

You May Also Like

Most Read