NI BETH GELENA
AYON kay Ogie Diaz, nakausap niya si Gerald Anderson tungkol sa nabuntis umano niya ang aktres na si Kylie Padilla noong nagsho-shoot sila ng pelikula sa Switzerland.
Tinanong daw niya ang aktor kung totoo ang balita.
Sagot ni Gerald” “Sana nga ipinalabas na agad ‘yung pelikula para sumabay doon, ‘di ba? So hintayin natin nine months from now.”
Inulit ng talent manager-cum-vlogger ang tanong: “Tingnan nga natin nine months from now, ‘yun nga ang sinasabi ko.”
Nang dumating sina Gerald at Kylie mula sa Switzerland, agad ding ininterbyu ng 24 Oras ang anak ni Senador Robin Padilla kung preggy siya at si Gerald ang ama.
Say ng ex-wife ni Aljur Abrenica: “Wala pong katotohanan sa mga lumalabas. Magkaibigan lang po kami ni Gerald. Super professional lang po ang relationship namin. Nothing else.”