RYZA CENON MAS EXCITED SA PAGPASOK SA SCHOOLING NG ANAK

NI BETH GELENA

IBINAHAGI ni Ryza Cenon sa kanyang Instagram ang unang araw ng kanyang anak sa school.


Ayon sa aktres, umiyak daw si Night sa unang araw ng school nito dahil binaba lang niya ito sa school.

Ani Ryza sa kanyang instagram: “First day of school ni Night kanina, umiyak siya kasi hindi siya sanay and super higpit ng school. Bawal parents or guardian sa loob as in i-drop off mo lang sila.”

Agad naman daw kumalma ang 2-year-old niyang anak.


“Ok naman daw si Night, mood swing lang daw siya hahahaha kasi first time niya pero masasanay rin siya eventually. Good job, Night sa first day mo natapos mo yung 2 hours,” excited na sabi ng celebrity mom.

Ang excitement na napi-feel ni Ryza para sa anak sa first schooling nito ay tulad din ng nararamdaman ng ibang ina sa first schooling ng anak.


“Ganun pala feeling kapag hindi mo nakikita kung anong ginagawa ng anak mo. Hindi ka mapakali, tapos lagi mong iniisip, ‘Ano kaya ginagawa niya?’ Or ‘Bakit ang tagal ng 2 hours?’ Bwahahahahaha kaloka!”

Ipinanganak si Night noong October 31, 2020 at ang kanyang father ay si Miguel Cruz.


Very thankful ang actress sa kanyang partner dahil constant love and support ang ibinibigay nito sa kanilang mag-ina.

Tags: Ryza Cenon

You May Also Like