Latest News

RURU SINUSUBOK NG “LOLONG” PROJECT

NI WALLY PERALTA

DUMARAAN ngayon sa matinding pagsubok ang Kapuso hunk actor na si Ruru Madrid.

Nababahala kasi ito sa proyekto niyang malapit sa kanyang puso — ang “Lolong” — dahil ito ang maituturing na launching teleserye niya.


Halos ma-depress si Ruru sa kakaisip kung matutuloy pa ba ang kanyang serye, lalo na inaabot na ito ng taon na wala pang balita mula sa management.

Ilang beses na kasing naudlot ang kanilang lock-in taping dahil sa pumapasok na virus sa bansa.

Nung medyo lumuwag-luwag na ang pandemya at nag-lock in taping na sila hindi inaasahang nadisgrasya naman si Ruru.

Sabi ng aktor, na-out balance siya sa ginawa niyang stunt kaya nagka-fracture ang kanan niyang paa.


“Habang ginagawa ko siya, nagulat ako do’n sa sarili ko na gano’n kataas ‘yung take off ko kaya pagbagsak ko, unexpected nabigla kong na-twist ‘yung right foot.

Di ko kayang tumayo dahil sa sobrang sakit,” balik-tanaw ni Ruru tinamong aksidente.

Back to taping na ulit si Ruru, as in laban lang, hanggang matapos niya ang “Lolong.”

“The comeback is always stronger than the setback,” ayon sa Kapuso actor.


Tags:

You May Also Like

Most Read