Ni Gerry Ocampo
HINDI inaasahan ni Ruru Madrid na madidisgrasya siya sa ginawang stunt sa bagong TV series ng GMA 7 na “Lolong.”
Nawalan ng balance ang aktor at nagka-fracture ang kanang paa.
Sa kanyang Instagram page, ipinost ni Ruru ang ilang larawan na kung saan makikitang sumisigaw siya sa sakit dahil sa tinamong aksidente sa paa.
Makikita rin nakasaklay na siya at pinayuhan ng doktor ng ilang linggong pahinga kaya natigil ang taping ng “Lolong.”
“I had a minor accident a couple of days ago while taping for our upcoming show…As per the doctor’s advice this hairline fracture requires a cast and 2-4 weeks rest. It’s unfortunate that we are packing up for now and resuming in about a month…Sad news..but as a person who always tries to see the good in unfortunate situations, I guess I just need to remind myself that everything happens for a reason.
“Salamat po sa lahat ng nagbigay ng panalangin, pagmamahal at suporta sakin. Mahal ko kayo,” say ni Ruru.
Sa interview sa kanya ni Nelson Canlas ng 24 Oras, napataas ang pagtalon niya kaya pagbagsak ay nakatabingi ang kanyang paa.
“Medyo nag-alangan ako kasi parang gusto ko pang i-perfect yung scene. Medyo nakulangan sa taas ng talon ko so sabi ko, “In this take, tataasan ko na siya.”
“Habang ginagawa ko siya, nagulat ako do`n sa sarili ko na ganun kataas yung take off ko kaya pagbagsak ko, unexpected nabigla kong na-twist yung right foot ko.” kuwento ni Ruru.
Mabuti na lang daw at may nakabantay na medical team dahil sa sobrang sakit ay hindi na raw niya nagawang tumayo.
“Good thing na yung medic naman dito sa set namin, mabilis silang rumesponde. Nandun sila lagi sa set, naka-ready sila To be honest. I am very sad. Ayoko ko po kasi ng because of me, made-delay po yung trabaho. But hindi naman po yun pinaramdam sa akin ng mga tao po rito sa set, “ dagdag pa ng aktor.