NI WALLY PERALTA
BEYOND those bubbly smile at saya sa aura ni Ruru Madrid sa tuwinang mapapanood siya sa ‘All Out Sunday’ ay sinong mag-aakalang nagkaroon pala siya ng depression noong kasagsagan ng pandemya.
Napaisip.tuloy siyang iwan na ang showbiz dahilan na rin sa lungkot na nadama noong mga oras na iyon.
Naging malaking factor ng kalungkutan ni Ruru ay ang paudlot-udlot na masasabing launching serye niyang “Lolong”.
Palagi itong nahihinto kahit napakalaki na ang nagastos sa mga naunang tapings nito at ang mahigpit ang health protocols.
Dito na nagsimulang mag-isip ang aktor at madismaya sa nangyayari.
Naisip niyang baka hindi na matutuloy ang Lolong at malabo nang maipalabas pa, as in baka ma-shelve na.
“To be honest, last year 2021, it’s not a good year for me. Ang dami kong pinagdaanan na mga challenges. Umabot sa point na medyo na depress ako, nawalan ako ng drive, ng passion,” sabi ni Ruru.
“Umabot pa nga sa puntong gusto ko nang iwan ang showbiz,” dagdag pa ng Kapuso aktor.
“Ang serye na ‘Lolong’ kasi I’ve been waiting for this project since 2019, lagi ko nga po nake-kwento sa inyo na sobra kong nag-wo-work out, kahit puyat ako nag-wo-work out ako, nagda-diet ako, nagre-research ako about my character but dahil nga siguro sa mga delays or dahil na rin siguro sa pandemic lagi po kaming nade-delay, lagi po kaming naka-cancel.
“Umabot sa point na baka hindi ito ‘yung propesyon na para sa ‘kin, maybe kailangan ko bumalik ng pag-aaral para hanapin na yung bagong propesyon na ‘yun.
“But then, I realized andami ko na pinagdaanan, I started when I was 14. But right now, pinilit ko yung sarili ko makabangon from sa baba talaga dahil papaano naman yung mga taong naniniwala sa akin,” mahabang paliwanag ni Ruru.