Ni GERRY OCAMPO
AGAD nag-deny si Ruffa Gutierrez sa balitang buntis siya kay senatorial candidate Herbert Bautista.
Ipinost ni Ruffa sa kanyang Instagram page ang screenshots ng mga naglabasang fake news sa kanya. Headline pa ang isang item na umamin daw siyang buntis.
Sa ibang item naman ay kambal daw ang kanyang ipinagbubuntis at sa sobrang kasiyahan ay naiyak daw si Herbert.
Ang nakakagulat [a au ikinasal na raw sila ni Bistek.
Kaya hindi na nakatiis si Ruffa at pinatulan ang mga “Marites.”
Isa-isang pinasinungalingan si Ruffa ang naturang fake news sabay giit na hindi siya buntis at lalong hindi raw totoo na kasal na sila ni Bistek.
Ang sure lang daw sa nabalita ay iboboto niya si Herbert dahil number 1 ito “sa puso natin.”
“The only REAL NEWS is: #8 sa Senado ang iboboto ko dahil #1 siya sa puso…natin lahat!” pagmamalaki ni Ruffa.
Last March 15, naging controversial ang post ni Ruffa na: “#8 sa balota, #1 sa puso ko”
Walang ibang tinutukoy ni Ruffa ay si Bistek.
Pero bakit mukhang naiba na ang kanyang linya ngayon?
Anyway, marami ang natawa sa fake news kay Ruffa, lalo na ‘yung kambal ang anak nila ni Bistek.
Maging ang mga kapwa artista ay natawa rin fake news na kasal at buntis siya kay senatorial bet Bistek.