NI BETH GELENA
FINALLY ay umapir na si Anne Curtis sa “It’s Showtime” last May 28.
Kumanta nang live ang Pinay-Aussie actress.
Sa opening number ni Anne kung saan kakanta siya na nakahiga, medyo nawala siya.
Kaya agad na tumayo, dahil kinakabahan daw siya.
Sumigaw naman ang ibang host na naka-live sila kaya bumalik sa puwesto niya ang host-actress.
Kineri naman ni Anne ang kanyang performance na kahit sobrang taas ng song, nilabanan ang kaba maabot lang ang piyesa, huh!
After her performance, sinabi ni Anne na she’s so excited pero may kaba.
Hindi napigilan ni Anne ang maging emotional ng isa-isang mag-welcome back message ang co-hosts sa noontime show sa kanya.
Lalo na yung magyakapan nila ni Karylle.
“Na-miss ko eto. It’s been two years grabe…eto na talaga,” say ni Anne.
Binati rin ni Anne ang anak na si Dahlia dahil pinayagan daw niyang panoorin siya ng anak.
Lahat naman ng host ay binati si Dahlia.
Samantala, pinuri ni Ruffa Gutierrez ang katawan ni Anne lalo na ang abs nito.
Parang hindi raw nanganak ang TV host, say ni Ruffa.