Latest News

RUFFA ‘LUCKY CHARM’ NI BISTEK

NI JULIE E. BONIFACIO

HANGGANG ngayon ay wala pa ring admission sinuman kina Ruffa Gutierrez at senatorial candidate Herbert “Bistek” Bautista sa nababalitang relasyon nila.

May mga basher kasi na sinasabing hindi sila bagay physically.


Pero kung ang pagbabasehan ay ang birth signs nina Bistek at Ruffa, match pala ang dalawa ayon sa astrologer and numerologist na si Maestro Honorio Ong.

Magka-match ang numero ng kanilang birthday at zodiac signs.

Tugma rin ang characters ng kanilang “ruling planets” gaya ni Ruffa na under Venus nakabatay ang numero ng kanyang kaarawan na 24 (June 24 1974).

At ayon pa kay Maestro Honorio, si Ruffa ang “lucky charm” ni Bistek.


Advise ni Maestro Honorio kay senatoriable Bistek, dapat daw ay isama niya sa kanyang pangangampanya si Ruffa.

At kung maaari raw ay kulay pula ang damit na suot nila sa kampanya.

Tags:

You May Also Like

Most Read