Latest News

Ruffa inaming no. 1 sa puso si Bistek

Ni Beth Gelena

VIRAL sa social media ang larawan na pinost ni Ruffa Gutierrez with senatorial candidate former Quezon City mayor Herbert “Bistek” Bautista.

Nilagyan ito ng caption ng former beauty queen-actress, na ayon sa netizens at celebrities, ay pag-amin na sa tunay nilang relasyon ng comedian actor-politician.

Ang larawan ay screenshot sa video clip na ang caption ni Ruffa: “#8 sa balota, #1 sa puso ko!”

Tanong tuloy ng netizens, confirmation daw ba ito ni Ruffa sa relasyon niya kay Bistek?

Ilan sa friends ni RUFFA na nag-react ay sina Tina.Paner, Arlene Muhlach and Tim Yap.

Halos iisa ang kanilang nasabi.
“Yun ohhhh… Yeheeyyyy at ‘IG official.na” say ni Yap.

Hindi rin nagpahuli ang netizens: “Inexpect ko pa naman mga A-Lister ang maggreet kay Ruffy since A lister naman sya diba?”
“A lister says who? Baka self proclaimed A lister. Ginagaya nga niya si Kris lately sa pagiging outspoken at kaartehan. But she will never be a Kris.”
“Kelan naman naging A lister si Ruffa?”
“She’s past that etilist stage
Sobrang ganda kaya ng aura niya these days, and ang dami niyang showbiz friends na proves na kahit she looks intimidating she’s actually a very nice person.”
“LoL!!! official na dahil top 12 na sa senate si boyfie nya!!! PINAS!! Be wise to vote pls!!!!! sana hindi porket artista govt official na. dami po mas deserving”
“Kahit maging senador pa si Bistek downgrade pa rin for Rufing”
“Well, well, well… love is blind indeed! Haha!”

Tags: ,

You May Also Like

Most Read