NI BETH GELENA
NAGSIMULA na ang shooting ng “Maid in Malacanang” kung saan First Lady Imelda Marcos ang role ni Ruffa Gutierrez.
Sa Instagram account ng former beauty queen, ipinakita niya ang kanyang looks bilang Imelda Marcos sa nasabing pelikula.
Si Darryl Yap ang direktor ng “Maid in Malacanang” at tama lang na si Ruffa ang naisip niya sa role bilang maging First Lady Madam Imelda.
Aba, bagay na bagay sa actress-host ang character na Imelda dahil nang ma-make-up-an na siya ay Imeldang-Imelda na ang dating niya dahil magkamukha na sila ng First Lady noong 1986.
Viral agad sa social media ang picture ni Ruffa bilang Imelda.
“I’m a soldier of beauty.. Imelda Romualdez Marcos, 1986,” ang caption ni Ruffa sa photo.
“So excited,” ang reaction ng brother niyang si Richard Gutierrez at misis nitong si Sarah Lahbati.
Dugtong pa ng aktor: “Can’t wait to see the film.”
Naniniwala naman ang netizens na fit kay Ruffa ang kanyang role.
“Wow! Gorgeous Miss Ruffa, I hope meron sa Netflix.”
“Look a like the first Lady Imelda Marcos so great.”
“Omg!!! Kuhang-kuha ah.”
Ngayon pa lang, excited na ang netizens na mapanood ang movie ng Marcos family.
Sana raw ay itinaon nila ang showing sa oath taking mismo ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ngayong June 30.
Akma raw kasi ang movie na bumaba sa pwesto si dating Presidente Ferdinand Marcos noong 1986 at ang pagiging Presidente naman ni BBM, ang unico hijo ni FM, ngayong 2022.
Sino nga ba ang mag-aakalang pagkalipas ng 36 na taon, Marcos muli ang uupong Presidente sa Malacanang.