NI GERRY OCAMPO
Sa mga nakapanayam ni Mariel Rodriguez sa kanyang YouTube channel, si Rufa Mae Quinto daw ang gusto niyang maka-drink or grill sa interview dahil marami silang mapag-uusapan na pagkatapos ay pagtatawanan na lang nila.
Magkapareho kasi sila ni Rufa Mae na walang preno ang bibig.
Sa Rebelle Beauty and Wellness, na pag-aari ni Rufa Mae, naganap ang one-on-one interview.
Kapag hindi nila nasagot ang tanong na inihanda ng staff ay iinom sila ng Buzzballz.
“Cocktail siya with 15 percent alcohol, so, tamang-tama sa mga nanay nating minsan lang talagang (uminom),” say ng vlogger- host.
Parehong nasa pangangalaga ni Boy Abunda sina Rufa Mae at Mariel kaya comment nga ng staffer ng Backroom Inc.: “Parehong-pareho sila, isang Inglesera at isang Tagalog.”
Nagbalik-tanaw ang dalawa kung saan sila unang nagkakilala at nagkita kaya napuno ng hiyawan dahil parehong mataas ang energy nila sa pagkukuwento.
Pero kapwa hindi sinagot ng dalawa kung anong pelikula o show ang hindi nila nagustuhan. Kaya idinaan na lang nila sa pag-inom ng watermelon smash with vodka na naging sanhi ng pagkaubo ni Rufa Mae.
Sa ang tanong na “Sinong celebrity ang ayaw mong maka-work ulit?”, agad na sagot ni Mariel: “Dyusko .parang iinom ulit ako nito, ah.”
Sagot naman ni Rufa Mae: “In fairness to me, wala. Baka ako ang ayaw nila, hahaha! Charot!”
Dagdag pa ng sexy-comediane: “Kasi lahat naman ng naka-work ko, masaya, eh.”
Sinang-ayunan ito ni Mariel kaya hindi nila kinailangan uminom ng inihandang drink.
Binulgar ni Mariel ang pinaka-expensive na item na pag-aari ni Rufa Mae ay malalaking diamond.
“Kay Rufa Mae ako nakakita ng buo na diamond na may korteng puso!” pambubuko ni Mariel.
“Ito kasi ang una kong kinolekta, mga buo-buo, Alam mo bakit? Kasi nu’ng nag-uumpisa ako sa Ober da Bakod, lahat sila, naka-2 carats na ganyan (itinuro ang suot ni Mariel). Ang presyo pa, P150,000 o P350,000. Tapos, after two years, nagtanong ulit ako. P600,000. Na raw. Ay, ganito pala ang diamond! Kaya magmula nu’n, bumili na ako,” paliwanag ni Rufa Mae.
Ikinuwento din ni Rufa Mae na halos P4 million daw ang nawala sa kanya dahil naloko siya sa negosyo at hindi na raw nabalik ang kapital.
Kaya warning ni Rufa Mae na may risk talaga kapag pumasok sa negosyo.
Sabi pa niya: “Kaya dito na lang muna ako sa showbiz.”
Ikinuwento rin ni Rufa Mae na ang pinaka-nakakahiyang nangyari sa kanya ay nalasing siya sa isang ball kung saan hindi alam ng mga friend niya na nawala ang kanyang bag na naglalaman ng mahahalagang gamit niya.
Kinumpirma ito ni Mariel na nandoon din sa ball. Inihatid daw niya si Rufa Mae sa kuwarto ni Vina Morales at doon muna pinatulog ang sexy-comedienne.
Nang mapag-usapan naman ang first kiss, mas pinili ng dalawa ang uminom na lang dahil baka raw may mangyaring hindi maganda.
Nagtawanan naman ang dalawa sa tanong na “Ano`ng tsismis na itinanggi n’yo pero totoo naman talaga?”
Mas pinili ng dalawa na bigyang-pansin ang Tequila-Rita flavor drink.
Halos hindi na matapos-tapos ang tawanan ng dalawa sa tanong na ”Sino ang taong naka-work ,mo na pinakaplastic sa showbiz?”
Tanging sahot ni Rufa Mae: “Siyempre, marami !” na ikinatawa ni Mariel.














