Rufa Mae binuking ang sikreto ng husband

NI GERRY OCAMPO

Hindi agad napagtanto ni Rufa Mae Quinto nung mag-guest siya sa “The Boobay and Tekla Show” na nai-reveal niya na may anak na pala ang mister niyang si Trevor Magallanes bago naging sila.

Tinanong kasi siya kung masusundan pa raw ba ang anak nila ni Trevor na si Athena na 5th birthday last February.


Sabi ni Rufa, humihiling na raw si Athena ng kapatid. Pero dahil sa nahirapan siyang magbuntis noon ay ayaw na raw niya ulit mabuntis.

Dito na niya biglang nasabi na may kapatid naman daw si Athena at yun ay ang unang anak ni Trevor sa dating karelasyon nito.

Tila matagal nang alam ni Rufa Mae na may anak na si Trevor bago sila kinasal.

Naikuwento rin ni Rufa Mae na two years daw ang pinirmahan niyang kontrata with Sparkle GMA Artist Center kaya matagal-tagal din daw siyang mapapanood sa iba’t ibang show ng Kapuso Network.


Isa na nga dito ang pagbabalik niya sa longest-running gag show sa telebisyon na “Bubble Gang” at muling makakasama ang mga dating BG barkada na naging bahagi na rin ng kanyang buhay.

Kuwento pa ni Rufa Mae, humihiling si Athena na sa Pilipinas na raw tumira ang kanyang daddy.

Nagulat nga raw siya na nagustuhan ng kanyang anak ang Pilipinas. Mas gusto na raw tumira ni Athena sa ating bansa kaysa sa Amerika.


Tags: Rufa Mae Quinto

You May Also Like

Most Read