NI BETH GELENA
MAY mga nagtatanong kung bakit daw kay Zaijian Jaranill binigay ang role ni Ding sa “Darna” na pagbibidahan ni Jane de Leon.
Bakit daw hindi kumuha ang ABSCBN na mas bata sa edad ni Zaijian.
Hindi raw bagay na isang matangkad na young aktor ang maging Ding sa Pinay hero classic.
Lahat daw kasi ng gumanap na Ding bilang sidekick ni Darna, pawang child actors, eh, teenager na raw si Zaijian.
Mawawala na raw ‘yung isa sa pinakahighlight ng scene kapag sinabi ni Narda ng “Ding, ang bato” saka may batang tatakbo para ibigay ang bato at sisigaw si Narda ng DARNA para mag-transform.
Masyado raw kasing matangkad si Zaijian bilang si Ding.
Pero hirit naman ng iba, siguro may mas mahalagang role si Ding kaya teenager na ang kanilang nilagay sa role.
Mellinial raw kasi ang concept ng Darna series dahil very modern na ang technology ngayon.
Anyway, nag-post na ng behind-the-scenes photos ang JRB Creative Production ng cast ng Darna — Jane de Leon, Janella Salvador, Zaijan Jaranilla, Rio Locsin, at Joj Agpangan.
Si Janella ay ang human alter ego ni Valentina bilang si Regina na isang abogada.
Vlogger namañ ang role ni Zaijian bilang si Ding, kasama ang sister na si Narda bilang isang estudyante (Jane).
Nasa photo rin si Joshua Garcia, as Brian and Rio Locsin, as Roberta.
Si Direk Chito S. Roño na ang direktor ng bagong “Darna” TV series along with Avel Sunpongco.
Nag-uumpisa nang mag-taping ang buong cast ng Darna sa ABSCBN’s sound stages sa San Jose del Monte, Bulacan.
Komento ng ilang netizens, sana raw ay mapanood na nila ang paglipad ni “Darna” this year.