Latest News

ROCCO NACINO, MELISSA GOHING EXCITED SA MAGIGING BABY

NI BETH GELENA

TAHIMIK lang ang mag-asawang Rocco Nacino at Melissa Gohing mula nang ikinasal last year,

Ngayon muling nag-ingay ang mag-asawa dahil sa kasiyahan.


Masaya nilang inia-announce sa kanilang Instagram account na magkakaroon na sila ng baby.

Ani Rocco: “Because God is kind to those who wait and pray. Watch the reveal of our new YouTube Channel Life with Naccinos!”

Since ikinasal sina Rocco at Melissa, pinili nilang maging pribado ang ang kanilang marriage life.

Si Melissa ay dating national volleyball player ng Creamline Cool Smashers, led by Alyssa Valdez.


Nag-give up sa pagiging sikat na atleta si Melissa nung magpakasal sa aktor na si Rocco.

Marami ang nagsasabing hindi raw bagay ang dalawa, pero ngayon ay iba na ang kanilang komento sa dalawang personalidad.

Anila: “Nu’ng una parang di sila bagay noh? kasi si girl, sosyalin na maarte samantalang si kuyang, jologs na parang tambay.”

Sansala naman ng isang nakakaalam ng private ni Roco:


“Hala! Rocco is rich. Di ka nakapag background check.”

“Hiyang-hiya naman si rocco sa iyo te na Nurse at Cumlaude.”

“Wow congrats. Ito iyong mag-asawang masyadong show off lalo na si guy.”

Say ng isang netizen: “Isipin na lang kung kay Lovi to nauwi ano. E di puro ig rampa lang ganap nila. Good for rocco.”

“Parang ang off lang nung God is kind to those who wait and pray. Parang kung wala kang anak, God is not kind to you??? God is kind to everybody, kahit sa masasama.”

May proverbs pang sinama ang netizen sa comment section: “Matthew 5:45 For He causes His sun to rise on the evil and the good, and sends rain on the righteous and the unrighteous.”

Tags: Rocco Nacino at Melissa Gohing

You May Also Like

Most Read