Latest News

ROBIN: ISA SI KRIS SA DAHILAN BAKIT AKO NAG-NO. 1

NI BETH GELENA

IKINUWENTO ni Robin Padilla na isa si Kris Aquino na tumulong sa kanya noong eleksiyon.

Ani Robin: :We became more closer than ever. Tumaas pa ang Antas ng aming mga pinag-uusapan at pinagdidiskusyunan. Mas minulat pa namin ang isa’t isa sa realidad pulitika at buhay.”

Sa Facebook ng actor-turned-no, 1 senator-elect, isang tula para sa.Queen of All Media ang pinost niya.

“Bismillah
Friends in Love
Ano nga ba ang ibig sabihin nito
Literal ba ito
In love ka sa Kaibigan mo literally
Baliw ka sa Kaibigan mo
Hinahanap hanap mo siya
Physical Attraction ba
Sexual ba
Ano nga ba?
Isa lang ang alam ko
Hindi man kayo nagkikita
Nag-aaway man kayo
Hindi man kayo nagpapansinan
Pero Pag naramdaman mo na Kailangan ng Kaibigan ng Kaibigan mo
No sorrys
No explanations
No dramas
No flashbacks
Just Love

Love that doesn’t require reciprocity,” yan ang matalinghagang tula mula sa senador.”

Kuwento pa ng aktor: “Noong nalaman namin ni Mariel na may sakit si Ms. Kris Aquino Hindi na kami bumitaw sa kanya at ganon din si Ms. Kris Aquino. Pinagluluto ni Mariel si Kris ng pagkain at kahit hirap si Kris sa intake ng solid na pagkain she makes sure na well appreciated ng buong pamilya niya si Mariel.”

Maging ang ginawang pagtulong ni Kris sa kanya nitong nakaraang eleksyon ay naikuwento niya.

“Maraming nagtatanong at nagtataka kung bakit napakataas ng boto ko at kung paano ako nag number one.

“Walang nakakaalam na May boto rin ako galing sa kampo ng mga Aquino.

“Kalagitnaan ng campaign period, nag-aalala si Kris sa survey ko. Kinausap niya ako kung ano ang campaign strategy ko, sabi ko conventional lang ako dahil wala naman ako pera.

“Ang alas ko lang talaga ay si PRRD, SBG at si Inday Sara Duterte, endorsement lang ng tatlong ito umiikot ang aking pag-asa na manalo at siempre ang tulong ng taongbayan.

“Sabi ni Kris, tutulungan niya ko at ginawa niya kahit sinabi ko na baka makadagdag ng stress niya.

“Tinawagan niya mga matitinding Governor, LGU officials at mga matataas na tao na may paggalang at malalim na sa pasasalamat sa mga Aquino.

“Hindi kailanman naging isyu sa kanya na Uniteam ako, nagtataka ang mga nakakausap niya kung bakit ako nilalakad sa kanila pero sinasagot lang niya ito ng basta ‘pls help robin for me.’

“Ngayon ay malinawan na rin ng mga naninira at inggit kung bakit ako nakakuha ng napakataas na boto.

“Bukod sa mine vote ni Mariel, Muslim vote, Marcos loyalist, vote DDS, vote Katoliko, vote Kingdom of Jesus Christ, vote El shaddai, vote at Iglesia ni Kristo, Kris Aquino delivered the Aquino vote for me.

“Maraming-naraming salamat Ms. Kris Aquino.

“Ang ating pagiging magkaibigan ay hindi naapektuhan ng pulitika bagkus ito pa ang nagbuklod sa atin.

“Hinding-hindi kami makakalimot Andito Lang palagi kami ni mariel Para sa iyo at kapag akoy nagkavisa sa US of A dadalawin ka namin at personal na magpasalamat sa iyo.

“Baraka Allahu Fik Allah Yashfeek.”

Masayang malaman na ang isang Robin Padilla ay nagkaroon ng isang kaibigang tulad ni Kris Aquino.

Si Mariel, alam niyang may “past” ang mister niya at si Kris pero bukas ang isip niya sa pagiging magkaibigan ng dalawa.

Sa ngayon, nasa isang hospital sa Houston ang TV host-actress para doon ituloy ang kanyang medical treatment.

Maselan.ang karamdamang dumapo kay Kris at siya mismo ay sinabing, “time is my enemy.”

Marami ang nagdarasal (at isa na kami doon) na sana ay malampasan ni Kris ang sakit niyang ito.

Tags:

You May Also Like

Most Read