Latest News

ROBIN IPINAGTANGGOL SI TONI SA PATUTSADA NG DIREKTOR

NI BETH GELENA

NAG-REACT naman si Robin Padilla sa pambabatikos ni Direk Erik Matti sa “unbothered” post ni Toni Gonzaga.

Ayon kasi sa direktor, may karapatang sumuporta si Toni ng kandidatong gusto niya pero para sa kanya, “doing so brazenly is upsetting.”


Sangga naman ni Robin, may karapatan nga raw pimili si Toni ng kandidatong gusto nitong suportahan sabay sabi sa direktor na hindi nito nirerespeto ang freedom ng iba.

Dagdag pa ni Binoe, dapat daw alam nito ang different sides of a story since direktor siya.

“Ano ba ‘yun napanood mo na sinasabi mo Erik matti?

“Baka propaganda ang ibig mo sabihin nakikisawsaw ka pa sa pagbanat kay TONI G


“Kung May karapatan ka sumuporta sa kandidato mo May karapatan din si TONI G

“Hindi ka naman pinakikialaman ng Tao sa sinusuportahan mo

“Pa inglis inglis ka pa

“Artistic at Political freedom niya yun kung sino ang gusto niya suportahan “You love to talk about freedom but you don’t respect the freedom of others


“Director ka diba kasama sa pinag aralan mo ang pag alam sa two sides ng istorya

“Anong makuha mo in Bullying a woman?” matapang na post ni Binoe sa kanyang Facebook.

Tags: ,

You May Also Like

Most Read