NI BETH GELENA
Eksklusibong ibinalita ng ABS-CBN News na engaged na si Robi Domingo sa four-year girlfriend na si Maiqui Pineda.
Nangyari ang proposal ng TV host sa famous Shibuya crossing sa.Tokyo, Japan kung saan doon sila nag-spend ng Halloween vacay.
Witness ang mga kaibigan na sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Ria Atayde, Zanjoe Marudo at Joshua Garcia together with Robi’s best friend and Maiqui’s family.
Sa interview kay Robi months back, binanggit niyang magpo-propose siya sa girlfriend sa New York City pero dahil may conflict ang schedule at iba pang mga bagay-bagay, nabago ang kanyang plano at venue, na nangyari na nga sa Tokyo.
Ayon sa TV host, wala pa raw detalye kung kelan sila magpakakasal ni Maiqui.














