Ni Gerry Ocampo
Official couple na ngayon sina Andrea Brillantes at UAAP basketball player Ricci Rivero matapos na sumagot ng “yes” ang young actress sa proposal na ginawa ng binata last April 9.
Naganap ang proposal sa mismong court ng basketball game sa SM Mall of Asia Arena na nasaksihan ng fans at mga nanood ng game.
Nag-propose si Ricci pagkatapos ng game kung saan nanalo ang kanilang team na UP Maroons laban sa FEU Tamaraws.
HIndi na nakunan sa TV ang ginawang proposal ni Ricci kay Andrea pero may fans na nakakuha ng video at na ipinost sa social media na kaagad naman nag-viral.
Makikita sa video na kinuha ni Ricci ang microphone at sinabi ng: “I just wanna ask Blythe (real name ni Andrea) to be my girlfriend?”
Maririnig sa video ang grabeng sigawan ng fans at may sumigaw pa ng PI dahil siguro sobrang kinilig.
Hindi maikakaila na talagang pinaghandaan ni Ricci ang ginawang proposal sa young actress dahil sa likod ni Andrea ay may dalawang lalaki na may hawak ng T-shirt.
Ang isa ay may nakatatak na “yes” at ang isa naman ay “no.”
Tila pinapipili si Blythe kung yes or no.
Sigawan na naman ang fans nang piliin ni Andrea ang T-shirt na “yes.”
Sabi ni Ricci sa mic: “I love you” with flying kiss pa kay Andrea bago tumakbo papuntang dressing room.
Later naman, nag-post sina Ricci at Andrea sa kani-kanilang social media account.
Makikitang suot na ni Andrea sa kanyang Facebook post ang “yes” T-shirt at hawak pa niya.sng bouquet of flowers.
Mababakas sa mukha ni Andrea ang sobrang kasiyahan.
“First time kong manood ng UAAP , ‘ di ko inaasahang magkaka-boyfriend pa ako grabe naman yun Lord! 04.09.22,” caption ni Andrea sa kanyang post.
Tweet naman ni Ricci na “taken” na siya.
“GOT TWO WINS TODAY! #UPFight II TAKEN,” tweet ni Ricci.
Last month nagsimulang kumalat ang tsismis na nagde-date sina Andrea at Ricci dahil nakitang suot ng aktres ang jersey ng basketball player.














