Latest News

RHIAN, TYPE LIGAWAN NG BUSINESS MOGUL?

Ni BETH GELENA

SI Rhian Ramos daw ang naba-blind item ngayon na may business mogul na suitor.

Kaibigan daw ng TV host na si Willie Revillame ang manliligaw ng Kapuso aktres.

Ang name umano ng guy ay ang presidente ng Maserati PH /Frontrow na si Sam Verzosa!

Hindi pa naman nagsasalita si Rhian kung may true nga ang chika.

Ang alam namin, naging guest cohost ni Kuya Wil si Rhian sa segment na “TuTok To Win” ng “Wowowin” last year.

Baka doon nag-meet ang dalawa dahil lagi ring nasa show ni Kuya Wil si Sam.

Isa kasi si Sam sa sumusuporta ng progama ni Kuya Wil.

May nakatsikahan daw kasi ang business mogul at may nabanggit siyang aktres na type raw niyang ligawan.

Hindi naman daw nito binanggit ang name ng aktres, pero may mga nagsasabing si Rhian umano ang tinutukoy ni Sam.

Isang info lang, si Sam ay isang matalinong bata noon na ilang beses nanalo sa Battle of the Brains quiz show.

Ngayon bukod sa pagiging CEO ng Frontrow na lahat na yata ng malalaking endorser, local and foreigner including BTS, Floyd Mayweather among others, ay nakuha na nila, siya rin ang president ng Maserati Philippines.

“I cannot express how grateful I am to Maserati for entrusting their prestigious name to us. As president of Maserati Philippines,” aniya.

Kasama siya sa mga negosyanteng may collection ng maraming luxury car sa bansa na honby rin ng bestfriend niyang si Kuya Wìl.

Siya ang first nominee sa Tutok To Win Party-list.

“Sabi ko sige i-apply ninyo. Kung maa-approve ok ako. Pero kung hindi ok lang din, wala namang mawawala,” banggit ni Sam.

Education daw ang magiging advocacy niya dahil naniniwala siyang nagbibigay ito ng pantay na pagkakataon sa mga tao, pero urban p oor pa rin daw ang nire-represent ng Tutok to Win.

Tags:

You May Also Like

Most Read