RHEN ESCANO OPEN MAKRELAYSON ANG KAPWA BABAE

NI WALLY PERALTA

PATULOY pa ring pinapanood ang streaming ng first ever “Girl Love” o GL serye na ang bidang babaeng ay certified tomboy na si Lulu Martinez at si Rhen Escano na babaeng-babae.

Nagsimulang mag streaming noong Jan. 23 sa Vivamax ang GL.


Noong nagsisimula palang si Rhen sa showbiz ay iba ang kanyang pananaw pagdating sa relasyon ng girl to girl, medyo may pagkakonserbatibo kasi siya.

Pero nang gawin niya ang isang lesbian movie na “Adan” kasama si Cindy Miranda ay nagbago ang ihip ng hangin kay Rhen.


“Noong ginawa ko ’yong ‘Adan,’ binuksan ko talaga ’yong isip ko sa LGBT, sa mga lesbians, in-embrace ko talaga sila. More so ngayon na may nakasama ako na member ng LGBT. At hindi lang po ’yon, lahat po kasi ng staff na kasama namin sa ‘Lulu’ lahat sila, eh,” say ni Rhen.

Beyond friendship nga lang ba ang relasyon ngayon ng dalawa?


May nakakita kasi sa kanilang dalawa na nag-date at sweet na sweet sa isa’t isa.

“Magkasama po kami no’ng New Year medyo late part na. Nagkayayaan lang kami nila Miss Dolly de Leon, ang aming acting coach. Sabi ko, ‘Okay.’ Ang lapit lang po lnaman namin sa isa’t isa, eh. Sabi ko, ‘Why not’” kwento ng aktres.

Wala man positibo pang tugon kung mayroong “something” kina Rhen at Lulu.

Well, your guess is as good as mine.

Tags: Rhen Escano

You May Also Like

Most Read