REY VALERA, A GIFTED MUSICIAN

NI BETH GELENA

NAPANOOD namin ang screening ng “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko” (The Music of Rey Valera) ng Saranggola Media Film.

Maganda ang pagkakagawa ng musical film under the helm of Direk Joven Tan.


Official enty din ito sa Summer MMFF na mag-uumpisang ipalabas sa April 8 sa mga sinehan.

Malinis ang pagkakalahad ng kwento kung papano nag-umpisang maging musikero ang icon singer na si Rey Valera, na ginagampanan ni RK Bagatsing.

Si Rey na rin ang nag-narrate ng kanyang buhay sa musical film na ito.

Mula sa mahirap na pamilya ng icon singer na NPA (no permanent address) noong bata pa dahil palitan ang mga magulang (played by Ariel Rivera at Gelli de Belen) niya sa kanilang magkakapatid dahil broken family sila.


Luckily, gifted si Rey pagdating sa musika.

Madali siyang makapag-compose ng kanta sa pamamagitan ng pag-observe sa mga tao sa kanyang paligid.

Ang bawat kantang na-compose ni Rey ay may nakabalot na kwento.

Idol niya si Rico J. Puno kaya ginawan niya ito ng kantang “Ako Si Superman” pero hindi na ito nakanta ni Rico J.


Nang unti-unti nang nakilala si Rey sa music industry at nagkausap sila ni Rico J sinabi niyang may ginawa siyang kanta para rito.

Ani Rico, “Bakit hindi ikaw ang kumanta” na ikinatawa ng mga manonood.

Hindi agad-agad na na-expose bilang singer si Rey kundi isang songwriter-composer.

Siya ang nag-compose ng “Mr. DJ” na pinasikat ni Sharon Cuneta.

Halos lahat ng nagawang kanta ni Rey ay naging theme song nga mga pelikula.

Tiyak na makaka-relate ang mga viewers kapag napanood ang musical film na “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko.”

Later on, sumubok na rin si Rey as a singer ng sariling niyang mga komposisyon.

Nagkaroon din ng karanasan si Rey na may gumagamit ng kanyang pangalan, isang impostor na sinisiraan siya, kaya muntik na niyang iwan ang mundo ng musika noon.

Pero sabi nga niya, siya ay isang fighter kaya siya ay nagbalik.

Ang ilan sa mga kantang nilikha ni Rey na maririnig sa pelikula ay ang Kahit Maputi na ang Buhok Ko, Malayo Pa Ang Umaga, Mr. DJ, Pangako sa Yo, Kung Tayo’y Magkakalayo, Maging Sino Ka Man, Kung Kailangan Mo Ako, Tayong Dalawa, Ako si Superman, and some of the greatest hit songs performed by Rico J. Puno.

Itinuturing din si Rey na superstar male OPM performer from 1970s and 1980s to early 2000s.

Nakakatuwa na habang kinakanta ni Rey ang “Kung Kailangan Mo Ako”, ay kuwento ng relasyon nina Gardo Versoza at Aljur Abrenica ang ipiinakikita.

Very touching naman ang request song ni Christopher de Leon nang gawan siya ng kanta ni Rey — ang “Malayo Pa Ang Umaga”– at maging ang mga eksena sa kantang “Maging Sino Ka Man” na kuwento ng isang wagas ang pagmamahal.

Ang last na kinanta ni Rey ay ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko” kaya hindi namalayan ng inyong lingkod na tumulo na pala ang aking mga luha.

Ipalalabas ang “The Music of Rey Valera” sa April 8 under Saranggola Film sa direksyon ni Joven Tan.

Nanood din ng screening Rey at alam naming super happy siya na sa bawata kanta niyang maririnig ay pinapalakpakan ng audience.

Todo-pasalamat din si Rey sa lahat ng media people na nanood ng screening ng pelikula.

“Nago-goose bump ako sa bawat palakpak na aking naririnig,” pahayag ni Rey.

Kasama sa cast nito sina Gelli de Belen, Josh de Guzman, Christopher de Leon, Lotlot de Leon, Jenine Desiderio, Meg Imperial, Ronnie Lazaro, Gian Magdangal, Carlo Mendoza, Ara Mina, Arlene Muhlach, Pekto Nacua, Eric Nicolas, Dennis Padilla, Epy Quizon, Arman Reyes, Ariel Rivera, Ricky Rivero, Rosanna Roces, Lloyd Samartino, Shira Tweg, Lou Veloso, and Gardo Versoza.

Tags: Rey Valera

You May Also Like

Most Read