NI BETH GELENA
NAGSALITA na rin ang nanahimik na ama ni Carla Abellana, ang aktor na si Rey ‘PJ’ Abellana.
Naging guest si PJ sa :Cristy Ferminute,” ang radio program ni Cristy Fermin, para mag-promote ng pelikulang “Mamapasano” kung saan isa siya sa stars ng nito.
Nagkaroon ng chance na itanong ni Nay Cristy sa aktor ang chika tungkol kina Carla at Tom Rodriguez.
Tanong ni Nay Cristy: “Rey, nu’ng una mong malaman, pagkatapos ng magarbong kasal, naghiwalay si Tom at si Carla. Ano naramdaman mo?”
Sagot beteranong aktor: “Ah, Nay, siyempre ako mismo, bilang partikular na isa akong magulang, siyempre talagang malaking gulat sa ‘kin ‘yon. At agad na minessage ko ang anak ko na si Carla na pilit kong alamin kaagad kung bakit. Sabi ko, nakarating na sa ‘kin, may lumabas na issues tungkol sa ganito ganun sa inyong dalawang mag-asawa.”
“Honestly, Nay, itong sasabihin ko ay talagang sumpa man sa Diyos, totoo ito. Nu’ng una kong minessage ‘yung anak ko ay hindi agad nag-reply po sa akin. So alam niyo, du’n pa lang sa sitwasyon, Nay, hindi agad nakapag-reply ‘yung anak ko sa akin, si Carla, pumasok na agad sa isipan ko na, ‘Oy, may laman na itong issue na ito tungkol sa kanila.
“Ang dami na palang namagitan. After few days, nag-reply na po si Carla sa akin at ang sabi niya sa akin, ganito lang po ang pagkasabi ng anak ko sa ‘kin. ‘Tom and I now are not okay. Anyway, Papa, we would like people to respect, give us the respect na i-settle muna namin itong personal na bagay by ourselves. Pakiusap, Papa, na as much as possible, ‘wag na lang muna tayo magsalita sa press dahil baka mag-iba-iba pa ang issue,” kuwento ni Rey.
“So anyway, nakiusap po ‘yung anak ko na hold on muna. ‘Stay put at let us be the ones who settle it first personally’, considering na personal problem din naman nilang mag-asawa ‘yan.
“Hindi ko pa po sinasabi na hiwalay ‘yung dalawa. Ang point ko dito po, ang sinasabi ko lang po na kung anuman ‘yung problema nilang mag-asawa ay sine-settle po nila muna,” paliwanag pa niya.
Shinare rin ng aktor na unang nag-reach out sa kanya si Tom regarding sa isyu.
“Yes, Nay. Honestly, nakausap ko na si Tom. Nakausap po one time si Tom na mag-message sa akin na kung pwedeng magkita kami, pumunta siya dito sa akin sa bahay at para magpaliwanag po siya ng side niya sa akin. So, nagawa na po namin ‘yan, Nay, pero hindi ko pa rin sinasabi na hiwalay ‘yung dalawa o may judgment na po ako dito sa sitwasyon nila. Hindi ko pa rin po masabi dahil po ang narinig ko palang side ay ‘yung kay Tom. Honestly, kung sino pa ang anak ko, siya pa ‘yung hindi ko nakakausap pa o naririnig ‘yung side niya.”
Sabi naman ni Nay Cristy kay Rey: “Gan’on daw ang magulang, last to know.”