Latest News

Relasyong Ria Atayde-Joshua Garcia pinalalantad na ng netizens

Ni Beth Gelena

NAG-CELEBRATE si Ria Atayde ng kanyang 30th birthday kamakailan lang at nagbjgay ng birthday message ang rumored boyfriend umano ng aktres na si Joshua Garcia.

Post ni Joshua: “Happy birthday girlfriend! @ria with heart emoji”

Pinasalamatan naman ni Ria si Joshua: “SALAMAT MY LIWANAG AND RUMORED BOYFRIEND! LABYU!”

Nagulat ang netizens sa palitan ng mensahe ng dalawa.

“What? I didn’t know they were a thing. But I think bagay sila, Ria is such a sweet lady”

“Di naman talaga. Common friends lang nila ang kathniel kaya lagi magkasama sa gala.”

“The Dimples of her generation.”

“Obvious naman hindi sila. Nagkataon lang sa group nila sila lang yun walang significant other kaya sila yun nagkakatabi sa pics.”

“Cringe! They are milking those Maritess”

“hahaha mahilig si joshua sa sexy so i doubt”

“itey yung ‘one of those’ na friends ng mga sikat o mga celebrity, yung feeling close. trying hard ba”

“Ang pait mo. hindi sila TH celebrities. kung tu2usin mas may talent pa sila sa dalawang iniiodolo mo.”

Sabi naman ng isang netizen na pabor kay Ria:

“Panong feeling close at trying hard? She really is close sa mga celebrity friends nya and they love her. Di dahil di sya ganun kasikat compared to her celebrity friends, trying hard na sya. Oa mo naman!”

May nagsasabi naman: “Ba yan, aminin na kasi nila”

Sagot naman ng isa: “Di sila bagay noh… mukhang tita tish ni joshua si Ria.”

Ouuchh naman po yan…

Tags:

You May Also Like

Most Read