REGINE KUMANTA NA BALIKTAD ANG MIC

NI BETH GELENA

Ibang klase rin naman si Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Aba, kumakanta siya ng live pero baligtad ang.microphone na gamit.


Mabuti naman daw at agad itong napansin ng misis ni Ogie Alcasid.

May nagsasabing sinadya umano iyun ng singer dahil lip sync naman daw siyang kumakanta.


“Lip sync pa more! Yan ang Asia’s Songbird ha. Kahiya ka!” say g isang netizen.

May fan ni Songbird ang sumagot: “That was a LIVE performance baliktad lang yung mic wala naman sinabi nag lip sync sya”


“Nanood Kaba bago sya kumanta napansin nya na nakabaliktad.hehe marites Ka talaga .hahahaha live yun”

Sabi naman ang isang netizen na kapareho lang daw ni Regine si Britney Spears.

“Bwahahaha naalala ko binash ni Ogie Alcasid si Britney Spears before dahil nag lip sync siya. O loko pareho lang sila ni Regine.”

“That’s not a lip sync LIVE performance yan baliktad lang yung mic, compare mo naman kay Britney na full show lip sync talaga mas nakakahiya yun”

Paliwanag ni Regine sa kanyang socmed account: “Wala naman nakapansin di ba? #ehyungbaliktadmicko wag kayo maingay ha… hayyy”

Anyway, lip sync man o hindi at baligtad man ang mic, keri pa ring kumanta ng singer.

Yun nga lang sana paminsan-minsan iwasan na niya ang sobrang high notes kasi minsan naa-out of tune na rin ang lolah nyo.

 

Tags: Regine Velasquez

You May Also Like

Most Read