Latest News

Rebelasyon ng isang politician… BAHAY NI JAMES REID MAY BUYER NA

NI BETH GELENA

DALAWANG taon din ang tinagal ng nakapaskel na FOR SALE sa harap ng napakalaking tahanan na pag-aari ni James Reid bago ito nagkaroon ng buyer.

Isa umanong pulitiko ang may kakilala sa buyer ng bahay ng Fil-Am actor sa Loyola Grand Villas, Katipunan.

Matatandaang pinost ni James sa kanyang Instagram page last October ang: “(My house is for sale! Loyola Grand Villas, Katipunan. Slide for more pics. Contact my assistant Penelope for more details on +63 927 836 9466. ”

Ang malapalasyong tahanan ni James ay may seven bedrooms, spacious living room, two large kitchens, recording studio with full soundproofing, 25-M lap pool, CCTV / security system and six car garage measuring 1,000-sqm lot with 3-storey house.

Ang house na ito ang minsan ding naging lovenest nila ng ex-girlfriend na si Nadine Lustre, na ngayon ay may bagong boyfriend — si Christophe Bariou.

Ang unang peesyo ng house ay tumataginting umano sa P100 million pero ni-reduce ang presyo sa P82 million.

Hindi sinasabi ng pulitiko kung sino ang interesadong buyer sa bahay ng actor pero sure buyer daw ito at hindi ‘yung nagma-mine lang tulad ng mga sinasabi sa online selling, pero wala naman talagang pambili.

“This person really has money,” sabi pa ng politician.

Tags:

You May Also Like

Most Read