Ni Walter Peralta
OPEN na sa publiko sina ang sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo, gayundin sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino, kahit walang opisyal na pag-amin mula sa huling celebrity couple.
Aba, sina Julie Anne San Jose at Rayve Cruz ay dahan-dahan na ring inilalantad sa publiko ng tunay nilang relasyon kung meron man.
Nadadalas na rin kasi ang halos sabay nilang pagpost ng mga larawan kung saan ay may bonding and sweet moments sila together.
Ang labis pang nagpakilig sa mga supporters ng dalawa ay ang mga litrato nila na karamihan ay kuha sa tahanan mismo ni Julie Anne.
Espekulasyon tuloy ng netizens ay unang inilantad nina Julie Anne at Rayver ang kanilang relasyon sa mga magulang ng dalaga.
Isa pa rin na kapuna-puna ng mga uploaded photos nila ay hindi nawawala ang kanilang ‘callsigns’ na emoji ng spider at pumpkin.
Dagdag pa rito ang nadadalas nilang pagtiTikTok na magkasama.
Inamin ng singer na sa tuwinf magkasama sila ni Rayver ay nagiging masaya siya.
“Kasi mabuti siyang tao, very thoughtful.
We’ve always been close. Sobrang close po talaga namin ni Rayver. We enjoy each other’s company. Sobrang okay talaga kaming dalawa.
Masaya naman pong maging masaya. Happy lang. Si Lord naman po nakakaalam ng lahat. ‘Yon lang po masasabi ko. We’ll see,” saad ni Julie.
Unti-unti na ngang inilalantad ang kanilang relasyon at opisyal na pag-amin na lang ang kulang.