NI GERRY OCAMPO
HINDI sinunod ni Rabiya Mateo ang sinabi ng boyfriend na si Jeric Gonzales.
Ayaw kasi ni Jeric sa babae ang short hair.
Pero parang sinasadyang asarin ni Rabiya ang boyfriend dahil nag-post ito ng larawan niya na maiksi na ang buhok.
“He told me he doesn’t want my hair short so I cut it right away,” caption ni Rabiya.
At sinundan pa niya ng post na: “hahaha candidate ako sa pinakamatigas na ulong girlfriend hahaha.”
Sa ngayon, hindi pa yata nakikita ni Jeric si Rabiya pagkatapos magpa-short hair dahil nasa lock-in taping ito ng “Start Up.”
May nag-comment naman na tila ayaw lang ni Rabiya na minamanduhan siya ng kahit sino maging boyfriend dahil siya pa rin ang masusunod pagdating sa kanyang buhok.
May nagsabi naman na baka nagpapapansin lang si Rabiya kay Jeric dahil hindi sila nagkikita.
Samantala, sa May 7 na pala magtatapos ang Book 2 ng “Agimat ng Aguila” ni Bong Revilla na kung saan isa nga sa leading ay si Rabiya.
Papasok na kasi ang sitcom nina Marian Rivera at DingDong Dantes na “Jose and Maria.”
Teka, hindi kaya kapag nakita na ni Jeric ang short hair ni Rabiya ay magdalawang-isip na ang aktor kung dapat ba maging forever na si Rabiya sa kanyang puso”














