Latest News

RABIYA MATEO AYAW TANTANAN NG BASHERS

NI WALLY PERALTA

SIMULA palang sa kanyang Miss Universe Philippines stint ay hindi na tinantanan si Rabiya Mateo ng bashers lalo na ng magbigay siya ng political view na against sa views ng nakakarami.

Nang pasukin naman ni Rabiya ang showbiz world ay sinundan pa rin siya ng bashers at sinabihan na kesyo hindi siya marunong umarte.


Sa paglipas ng mga araw, tila mas lumala pa ang mga negatibong komento sa former beauty queen.

Kailan kaya tatantanan si Rabiya ng bashers?

Lately, nilait na naman si Rabiya na isang ambisyosa at talunan.

Sa isang photo na pinost niya sa socmed ay naglagay siya ng caption ng: “Minsan action star, minsan panadero. Was privileged enough to see how to make the ever famous Raisin Bread ng Baguio Country Club. Even made a joke kay chef na patayo ako ng sarili kong bakeshop, kunin ko siya.”


Asar-talo naman kinomentuhan ng isang basher ang post ni Rabiya.

“Minsan beauty queen, minsan drama queen, pero kadalasan ambisyosa, talunan pa sa Miss U.”

Hindi naman ito pinalampas ni Rabiya at sinagot : “Di naman siguro masama mangarap, yung masama mangbaba ng kapwa. Medical professional ka diba? Sana maging doktor ka gaya ng pangarap mo. Keep winning in life!”


Tags:

You May Also Like

Most Read