‘Queen of Kundiman’ Sylvia La Torre pumanaw sa edad na 89

PUMANAW na ang maalamat na mang-aawit at tinaguriang “Queen of Kundiman” na si Sylvia La Torre sa edad na 89.

Ang kanyang pagpanaw ay kinumpirma ng kanyang apo, ang aktres na si Anna Maria Perez de Tagle, sa isang Instagram post noong Disyembre 2.


Ayon kay Anna, namatay si Sylvia noong Disyembre 1 ganap na alas-7:02 ng umaga sa piling ng kanyang asawang Celso Perez de Tagle at kanilang mga anak na sina Artie, Bernie, at Cheche.

“My grandmother was my first inspiration when it came to singing and acting. She was my first vocal coach and taught me all of her kundimans. Thank you for passing on your love of music to me and I will surely continue your legacy,” pahayag ni Anna.

“Gone too soon but always in our hearts. Your song has ended but your melody will linger on. Love you Mama Cita,” dagdag na pahayag ni Anna.


Ibinahagi rin nito ang isang 2016 Facebook video na kumakanta sila ng “Sa Kabukiran.”


Tags: Sylvia La Torre

You May Also Like