Latest News

Producer ng movie entry sa MMFF, nangangamba sa ‘first day, last day’

NI GERRY OCAMPO

SA walong entry movie sa Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Dec. 25 hanggang Jan. 7, 2023, marami na ang nagsasabi na hindi magiging maganda resulta sa takilya.

Posible raw na isa o dalawang movie entry lang ang makabawi ng ginastos sa kabuuan ng movie.


Yung ibang entry raw ay posibleng mapasama sa “first day, last day” sa sinehan.

Ang producer ng isang movie na mapalad na mapasama sa taunang festival sa bansa ay tila nanawagan na huwag lang ang movie na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Ivana Alawi ang panoorin ng mga tao sa darating na festival.


May netizen ang nag-react at nagsabi na huwag silang diktahan kung ano ang gusto nilang panoorin at kung ano ang ayaw nilang panoorin.

Sa hirap ng buhay nga naman ngayon ay gagastos pa sila para panoorin ang walang saysay na movie.


Tanong ng netizen, nangangamba raw ba ang nasabing producer na mapasama sa :first day, last day” ang entry movie niya kaya ngayon pa lang ay nanawagan nang na huwag lang ang movie nina Vice at Ivana ang panoorin.

Sabi naman ng producer, naniniwala siya na hindi mapapasama ang kanyang entry movie sa “first day, last day” sa mga sinehan dahil maganda raw ito.

Anyway, sa tema ng mga entry ma kalahok sa MMFF ay posibleng matanggal kaagad sa mga sinehan.

Una ay dahil walang kuwenta o hindi type ng mga manonood ang istorya ng movie.

Nangako naman ang nanawagang producer na kakausapin niya ang pamunuan ng taunang festival na hindi dapat mangyari ang “first day, last day” movie sa mga sinehan.

Katuwiran ng producer, napili silang walong movie para mapasama sa MMFF kaya dapat lang na manatili silang palabas sa mga sinehan hanggang sa deadline kung kailan ito dapat magtapos sa mga sinehan.

Pumayag naman kaya ang theater owners na kahit isa o dalawang tao lang ang nanonood sa sinehan ay tuloy pa rin ang showing nito sa mga sinehan.

Paano na lang ang makukunsumo ng kuryente kung isa o ilan lang ang nanonood, lugi ang theater owner.

Well, nangako ang nasabing producer na hindi siya tatahimik para ipaglaban ang naturang patakaran na ipu-pull out sa mga sinehan ang movie na walang gaanong nanonood.

Tags: Metro Manila Film Festival

You May Also Like

Most Read