NAG-REACT si Priscilla Meirelles sa isang basher na nagkomentong “malapit ka na palitan.”
Matatandaang last April ay naging hot isyu ang marital status ng mag-asawang Priscilla at John Estrada.
Pero pinilit naman nilang ayusin ang kanilang pagsasama.
Last week, ay nag-post ang former beauty queen ng kanyang mga larawan sa Instagram.
“Perfection is overrated,” ang isinulat niyang caption.
Isang basher ang nagkomento: “Malapit kna plitn Kabahan kna (laughing with tears emoji)”
Hindi naman nagpatinag ang dating Miss Earth at gumanti rin ng “laughing with tears” emoji.
Mukhang nang-iinis lang talaga ang basher at muli itong sumagot ng: “ Wow c Janice Nga Pinalitan Aftr How Many Years Sya pa Kaya (laughing emojis) mlpt na Ma Expired”
“Sending Love and prayers your way po. It saddens me that you think that way and you get out of your way to say such a thing,” say naman ni Priscilla with three Bible verses tungkol sa hatred at pagmamahal.